Tuesday, March 09, 2010
   
Text Size

Search

Colegio de San Lorenzo Ruiz de Manila of Northern Samar, Inc.

Sigaw ng Tao

Poetry

 

Isang bansang maganda, bansang masagana

Sa likas na yaman at makataong lipunan,

Pero ito ba’y maituturing na bansang mayaman

Kung lugmok at bagsak ang ekonomiya ng bayan.

 

Sabi pa ni Juan, “Isa sa dahilan ng kahirapan

Ang bagsak na ekonomiya, kahit mataba pa ang lupa sa kabukiran

May palay, may mais at iba pang pananim

Pero walang patabang panlagay, upang lumusog ang tanim.”

 

Sabi naman ni Islaw Palitaw na lulubog lilitaw

“Meron man akong kalabaw,

na bubungkal sa kabundukan

Wala naman akong makina,

na tutulong sa aking kahirapan.

Bulsa ko’y mabubutas lamang,

sa mahal ng langis sa pamilihan.”

 

Sigaw naman ng kabataan, gutom nilang tiyan

Sa mahal ng bilihin, tuyo lagi ang hapunan

Sa mura nilang edad , pinalaki sa basurahan

Pangarap ba nila’y itinapon na rin sa pundukan?

 

Talaga bang ganito na ngayon

ang ating lupang tinubuan?

Lugmok sa utang, lugmok rin sa kahirapan

Kailan ba magigising ang ating pamahalaan?

Na hindi puro pulitika ang dapat pagtuunan

Paano naman ang ekonomiya ng ating bayan?

Comments (0)Add Comment

Write comment
quote
bold
italicize
underline
strike
url
image
quote
quote
smile
wink
laugh
grin
angry
sad
shocked
cool
tongue
kiss
cry
smaller | bigger

busy
Copyright © 2009 |  Colegio de San Lorenzo Ruiz de Manila of Northern Samar, Inc. |  All Rights Reserved
This college website is created with Joomla 1.5 by the CSLRM Web Development Team